

KUNG TAYO’Y MAGIGING IISA
ni Manoy Doro
kung gitara mo’t gitara ko’y
pagsasamahin ang tinig
at sabaysabay tayong aawit
ng iisang himig
kung sabaysabay din tayo
sa pagkalabit at pagtipa
pakingga’t tunog nating dalawa
ay magiging iisa
kung kita’y hahayaan
sa iyong pag-awit
wala kang madamang kasiyahan
kahit sansaglit
ang papasanin mo’y
ga-mundong paghihirap
pagkat sa mga pangangailangan
wala sa iyong lilingap
kung sa pag-awit
ako’y hahayaang mag-iisa
pagtipa’t pagkalabit ko’y
walang kasigla-sigla
tunog na magawa’y
magiging matamlay
pagkat sa mga pagkakamali
sa aki’y walang aagapay
ngunit kung sa pag-awit
tayo’y magkasabay
tunog nating dalawa’y
mapupunp ng buhay
at kung sa magulong mundo
ito’y ating iparinig
kahit kakaunti man lang
mga puso nila’y magkakapag-ibig


























UPLIFTING….kung lahat tayo’y magiging isa, manoy doro..WE CAN DO WONDER’S!!!!The possibilities are endless,the ideas are boundless…isn’t that amazing!!!
mainam sana kung tayong lahat ay magkakaisa, ‘di ba?